I should go
Before my will gets any weaker
And my eyes begin to linger
Longer than they should
I should go
Before I lose my sense of reason
And this hour holds more meaning
Than it ever could
I should go
I should go
Baby, I should go
Ewan ko bakit ko to ippost. :)) HAHAHA. Kasi ito yung unang tumugtog nung binuksan ko yung playlist ko. Jungaers eh! Sa lahat ng kanta, ito pa. :DDD HAHAHA. Nakakatawa lungs kasi. Sumakto pa sa file na nakalkal ko sa aking bundok ng basurang mga files sa laptop. Jusmeeeyow. Kalurkey.
HALF CRAZY
Hahahaha. Hang junga junga. Nakita ko lang sa files ko habang nag-aayos rin ako ng mga dapat ng idelete. :))) Muntanga. Bwisiiiiiiit.
I spent every minute asking myself
what went wrong
Can’t we try to talk it over baby?
Come back home
TANGA. Tanga ka ba?
Una, kahit ilang daang beses mo pang isipin kung anong naging mali sa inyo eh hinding hindi mo na mauulit ang nakaraan para itama yung mga maling yun. Tapos na eh. Wala ka ng magagawa.
Pangalawa, alam mo, kung gusto ka talagang kausapin ng isang tao, gagawa at gagawa siya ng paraan para makausap ka. Lalo na sa panahon ngayon na ang daming paraan ng komunikasyon. Pero kung hindi niya ginagawa, eh wag ka na umasa. Wag mo gawing tanga lalo yung sarili mo sa kahihintay na kakausapin ka ulit niya para ayusin yung lahat. Kung gusto niya talaga, edi sana ginawa na niya. Eh hindi naman niya ginawa di ba? Isa lang ibig sabihin nun, ayaw na niya. Kaya ikaw, tumigil ka na dyan. Sino bang nahihirapan? Siya ba? Hindi. Ikaw at ikaw lang din. Wag mo na parusahan yung sarili mo sa kakaisip na baka humahanap lang siya ng tamang pagkakataon para kausapin ka, para ayusin niyo. Gumising ka na sa katotohanang hindi na mangyayari yun. Awat na. May iba pang darating para sa’yo. Acceptance. Smile. Wag sayangin ang mga luha sa mga taong hindi naman karapat dapat.
Coz I’m half crazy
I’m feelin’ sorry for myself
Half crazy
Worried you’d find someone else to love
Don’t feel sorry for yourself. Maaaring may mali ka rin pero tandaan mo, lahat ng bagay ay may dahilan kahit na yung iba eh hindi pa rin natin malaman laman yung totoong dahilan ng mga yun. Balang araw, maiintindihan rin natin yung mga yun at kapag dumating yung araw na yun, maaaring tatawanan mo na lang yung mga alaala ng nakaraan na akala mo noo’y patuloy ka pa ring parurusahan sa bawat oras, minuto, o segundo na maalala mo sila.
Ano naman kung makahanap na siya ng ibang taong mamahalin? Anong masama dun? Tapos na naman kayo di ba? Wala na siya, malaya ka na. Ibig sabihin, okay lang di ba? Isa pa, kung mahal ka talaga ng isang tao, sa tingin mo maghahanap pa siya ng iba? HINDI. Dahil ang pusong tunay na nagmamahal ay kailanma’y hinding hindi maghahanap ng iba pa kasi nga seryoso na siya dun sa snwerteng nilalang na nag-iisang yun. Kasi kuntento na siya sa iisang yun. Ngayon, kung may iba pa siya o kung naghahanap pa siya ng iba. Aba, mag-isip isip ka na. Isipin mo kung bakit kailangan pa umextra ng ibang tao kung totoo ngang mahal ka niya, di ba? Mahirap magkaroon ng kaagaw sa kahit na anong bagay, sa tao pa kaya?
Sige. Good night! Haha. Sabi ko after ng pag-aayos ko ng gamit na iuuwi bukas at nitong post na ito e SP mode na ako at eventually matutulog na dahil maaga ang call time bukas.
Keep fighting! Keep smiling! Keep loving!
(Source: migzhaleco)
If it’s not him, I know that someday, I will meet someone who will treat me well, someone who will not take me for granted & someone who is mature enough to understand every little thing I do, And as i think of it, If I am happy with the wrong one, what more if i found the right one?
(Source: cameyflores)
And we know it’s never simple, never easy
Never a clean break, no one here to save me
You’re the only thing I know like the back of my hand
And I can’t breathe
Without you, but I have to
Breathe
Without you, but I have to
Eh sa yan ang tumutugtog ngayon eh. Bakit ba. Haha.
Good night na. Maaga pa nga pala kami mamaya kasi uuwi kami ng Bulacan. Puyat na naman ako. Lagi na lang. Sabi ko pa naman noon, babawi ako ng tulog pag sembreak na kaso wala rin. Haha. Babalik na ako ng elbi sa Monday, ay bukas na pala yun. Hindi pa ako nakakabili ng mga dapat bilhin. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng mga dapat dalhin. Parang ang bilis naman ng oras.
Haay. Hindi ko alam kung ready na ba ako for second sem. Dapat last sem ko na ito. DAPAT. Kailangan ko na seryosohin yung SP ko. Hindi ko kasi siya nabigyang pansin nitong sembreak. Kinakabahan na tuloy ako ng sobra sobra. Second sem. Another new sem. Supposedly last sem. Sana naman magawa ko na ng maayos ang dapat kong gawin. Sana makapagfocus ako ng maayos. Sana. Sana. Puro na lang ako sana, ano ba naman yan. Pero kakayanin ko naman di ba? Kakayanin ko pa naman di ba? Kakayanin mo pa Thea ha? Wag kang susuko. Unti na lang oh. Unti na lang malapit ka na sa isa sa mga goals mo na grumaduate ng college.
Simula sa Monday, dapat acads na ang focus ko. Acads na ang priority ko. Wala na akong pakielam kung may masagasaan man akong mga priorities ko dati. Basta ngayon, ang alam ko, acads muna. Naging pasaway kasi ako dati eh, akala ko acads nga talaga yung pnprioritize ko, late ko na nalaman na AKALA ko lang pala yun kasi all the while, madalas ko siyang naisasantabi for other stuffs. Na minsan imbis na acads ang iniisip ko, iba naman yung totoong pnproblema ng isip ko. Kaya magbabagong buhay ako ngayong second sem. (Sana naman kayanin ko. Haha) Maagang new year’s resolution ko na ito. Go me! :)
P.S. It’ll be the last time. You’ll see. Simula ngayon, hindi na kita pproblemahin. I want to prove something to myself na matagal ko ng idnedebate sa sarili ko na olats talaga ako sa bagay na yun. At sana naman this time, totoo na itong pinagsasabi ko.
SO, HELP ME GOD. :D
But then, it’s just a feeling.
The truth is? You’ve not yet forgotten everything that was supposed to be thrown out of your mind and heart. You’re still there from where you started. Still not moving on, still not walking out, and still wishing and hoping that someday, things could possibly go back to the way they used to be.
(via someday-it-will-be)
Yung feeling na andito ka, andun lang siya, abot na abot mo na siya pero hindi mo siya pwedeng abutin o lapitan o kausapin sa kadahilanang bawal na at hindi na pwede dahil mas gugulo lang yung sitwasyon pag ginawa mo yun. \M/

And as she gazed into the empty space, sitting all alone in the room, everything comes back to her- the way he used to hug her, the way he smiles whenever he sees her, the way everything was normal before they both got bombarded by shitty things. If he were only here with me, he would’ve been cracking jokes and talking endlessly and holding my hand and I would’ve gotten a chance to say something, tell him how much he really meant to me… I just miss him a lot.
But she recalls the cold
Akala ko’y habang buhay tayo
Akala ko hanggang dulo
kay haba pa ng kalsada
Dito nga ba tayo bababa?
Kung ganito na nga bang usapan
Kung dito na ang hangganan
Dapat sigurong iwasan ang mga minsang kamustahan
mga nakasanayan dapat nang kalimutan
upang di tayo magkasakitan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Akala ko’y habambuhay ang awit
Akala ko’y hanggang langit
kay haba pa ng kantahan
Dito na ba tayo tatantan
kung ganito na nga ba’ng tadhana
sara’ng pinto at bintana
Dapat sigurong iwasan ang pagkatok sa’ting nakaraan
mga nakaugalian dapat nang pagbawalan
sunugin na ang mga larawan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Ang ganda na sana
Bakit biglang nag iba?
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Palagay ko’y tayo
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Mas mahirap nga ba makalimot kapag patuloy pa rin kayong nag-uusap, nagkikita, nagpaparamdaman? Bakit? Dahil ba sa tuwing nangyayari yung mga yun ay bumabalik lang lahat sa’yo? Lahat ng alalala na meron kayo, lahat ng mga bagay na nakasanayan mo na gawin ng kasama siya, at lahat ng pagmamahal mo bumabalik rin ba?
Siguro kasabay ng unti-unti mong pagngiti habang naalala lahat ng masasayang nangyari sa inyo eh unti-unti ka na ring naluluha, naiiyak, nalulungkot dahil hindi mo na maibabalik lahat ng yun. Pero hindi mo alam na yung mga luhang yun ay dahil sa sakit na nararamdaman mo ulit. Dahil sa sakit na unti-unti ring bumabalik sa’yo. Sakit na naramdaman mo nung mga panahong binigo, iniwan, sinaktan, pinagsinungalingan, pinaasa, o pinaghintay ka niya.
Kaya naman minsan, dumadating yung point na akala mo kaya mo na siyang harapin ng parang walang nangyari pero ang hindi mo alam eh nagpapanggap ka lang, nagkukunwari, kasi ang totoo? Hindi mo pa talaga kaya. Hindi mo pa kayang kausapin siya na parang normal pa rin yung turingan niyo. Kahit sabihin mong tanggap mo na yung kinahantungan niyo, hindi mo pa rin naman lubos na maamin na andyan ka pa rin at nagbabakasakaling pwede niyo pang maayos lahat, na pwede pang maging okay lahat.
Kasi mas nahihirapan kang umandar at umalis sa lugar na pinag-iwanan niya sa’yo habang andyan pa rin siya. Mas lalo kang nahuhulog sa patibong ng mga alaalang naiwan. Yung mga alaalang minsang nagpaniwala sa’yo na ang mga ‘akala’ ay pwede namang maging katotohanan; na ang salitang ‘forever’ ay pwedeng mag-exist. Kaso, hindi rin naman pala dahil dumating na kayo sa puntong bumaliktad na lahat ng pinaniwalaan niyo, na yung minsang akala niyo eh hindi naman nagtagal.
So ano na naman ginawa ko? :)) Haha. Crappy mind.