Ewan ko bakit ko to ippost. :)) HAHAHA. Kasi ito yung unang tumugtog nung binuksan ko yung playlist ko. Jungaers eh! Sa lahat ng kanta, ito pa. :DDD HAHAHA. Nakakatawa lungs kasi. Sumakto pa sa file na nakalkal ko sa aking bundok ng basurang mga files sa laptop. Jusmeeeyow. Kalurkey.
HALF CRAZY
Hahahaha. Hang junga junga. Nakita ko lang sa files ko habang nag-aayos rin ako ng mga dapat ng idelete. :))) Muntanga. Bwisiiiiiiit.
I spent every minute asking myself
what went wrong
Can’t we try to talk it over baby?
Come back home
TANGA. Tanga ka ba?
Una, kahit ilang daang beses mo pang isipin kung anong naging mali sa inyo eh hinding hindi mo na mauulit ang nakaraan para itama yung mga maling yun. Tapos na eh. Wala ka ng magagawa.
Pangalawa, alam mo, kung gusto ka talagang kausapin ng isang tao, gagawa at gagawa siya ng paraan para makausap ka. Lalo na sa panahon ngayon na ang daming paraan ng komunikasyon. Pero kung hindi niya ginagawa, eh wag ka na umasa. Wag mo gawing tanga lalo yung sarili mo sa kahihintay na kakausapin ka ulit niya para ayusin yung lahat. Kung gusto niya talaga, edi sana ginawa na niya. Eh hindi naman niya ginawa di ba? Isa lang ibig sabihin nun, ayaw na niya. Kaya ikaw, tumigil ka na dyan. Sino bang nahihirapan? Siya ba? Hindi. Ikaw at ikaw lang din. Wag mo na parusahan yung sarili mo sa kakaisip na baka humahanap lang siya ng tamang pagkakataon para kausapin ka, para ayusin niyo. Gumising ka na sa katotohanang hindi na mangyayari yun. Awat na. May iba pang darating para sa’yo. Acceptance. Smile. Wag sayangin ang mga luha sa mga taong hindi naman karapat dapat.
Coz I’m half crazy
I’m feelin’ sorry for myself
Half crazy
Worried you’d find someone else to love
Don’t feel sorry for yourself. Maaaring may mali ka rin pero tandaan mo, lahat ng bagay ay may dahilan kahit na yung iba eh hindi pa rin natin malaman laman yung totoong dahilan ng mga yun. Balang araw, maiintindihan rin natin yung mga yun at kapag dumating yung araw na yun, maaaring tatawanan mo na lang yung mga alaala ng nakaraan na akala mo noo’y patuloy ka pa ring parurusahan sa bawat oras, minuto, o segundo na maalala mo sila.
Ano naman kung makahanap na siya ng ibang taong mamahalin? Anong masama dun? Tapos na naman kayo di ba? Wala na siya, malaya ka na. Ibig sabihin, okay lang di ba? Isa pa, kung mahal ka talaga ng isang tao, sa tingin mo maghahanap pa siya ng iba? HINDI. Dahil ang pusong tunay na nagmamahal ay kailanma’y hinding hindi maghahanap ng iba pa kasi nga seryoso na siya dun sa snwerteng nilalang na nag-iisang yun. Kasi kuntento na siya sa iisang yun. Ngayon, kung may iba pa siya o kung naghahanap pa siya ng iba. Aba, mag-isip isip ka na. Isipin mo kung bakit kailangan pa umextra ng ibang tao kung totoo ngang mahal ka niya, di ba? Mahirap magkaroon ng kaagaw sa kahit na anong bagay, sa tao pa kaya?
Sige. Good night! Haha. Sabi ko after ng pag-aayos ko ng gamit na iuuwi bukas at nitong post na ito e SP mode na ako at eventually matutulog na dahil maaga ang call time bukas.
Keep fighting! Keep smiling! Keep loving!
tanga ang taong umiibig. naiintindihan ko na ang mga kaibigan ko. galit na galit pa ko pag di sila nakikinig. now I know…

Ang hirap pala talaga umibig no? Mukha kasing hindi eh. Maiisip mo kasi kapag nakikita mo yung mga taong nagmamahalan eh ang saya-saya nila kaya akala mo lahat ng umiibig eh masaya. Kaya naman hindi mo maiwasang dumating sa point na mainggit sa kanila, anong nangyari? Ayun, ang tendency eh madaliin mo lahat ng bagay, maghanap ng taong akala mo mamahalin ka na talaga na parang kayo na hanggang dulo pero hindi pa pala. Ewan ko ba naman. Minsan hindi lang naman kasi natin alam ang totoong kwento sa likod ng mga pusong nagmamahalan. Minsan hindi natin alam kung tunay bang ngiti ang nakikita natin sa mga mata at labi ng ibang tao. Mahirap alamin ang totoo pero madalas mas mahirap pala yung pakiramdam na nalaman mo na talaga yung totoo. Anong totoo? Na hindi ka na niya mahal? Na nakahanap na siya ng iba? Na sumusuko na siya sa inyo? Na ayaw na niyang mag-exist yung ‘kayo’? Na hindi na pwedeng ibalik yung dati? Na wala ka ng babalikan pa? Na hindi na siya babalik sa’yo? Na naduduwag na siyang ipaglaban ka, kayo? Ano pa ba? Pero alam mo, kahit ano pa yan, tapos na eh. Wala na. Olats ka na sa laro niyo.

Oo, mamimiss mo naman talaga siya, kayo, lahat ng pinagsamahan niyo pero wala ka ng magagawa kung ikaw na lang ang natitirang lumalaban dyan. Sabi nga nila, it takes two to tango, no man is an island, at two heads are better than one. Ano pa bang malabo dun? Sinasabi lang na kahit sino ka pa, kahit akala mo eh sobrang tapang mo, sobrang lakas mo, at sobrang kayang kaya mong ipaglaban pa kung anong meron kayo eh akala mo lang yun! At one point or another, mahihirapan at mahihirapan ka lang din. Sinasabi ko sa’yo, susuko at susuko ka rin ipagpilitan yung mga bagay na akala mo pwede pa, yung akala mong may pag-asa pa. Mahirap lumaban mag-isa at mas lalong mahirap ipaglaban yung taong ayaw namang ipaglaban mo siya. Normal lang naman siguro yung mamiss mo lahat eh pero dapat tanggapin mo na yung katotohanan na alaala na lang silang lahat. Matuto tayong tanggapin ang mga bagay kahit na masakit, kahit na mahirap. Hindi ka aandar kung hindi mo papakawalan ang mga bagay na nagpapabigat sa dalahin mo. Hindi ka naman kasi superhero na kayang pasananin lahat at kayang resolbahin lahat ng problema. Matuto ka.

Mahirap naman kasi talagang MAGMOVE ON no. Pero kahit na paulit ulit kang bumabagsak pabalik sa kanya, alam kong kakayanin mo yan. Kaya mo yan. :)
Is there something I can do to reach you
Are we something more than history
If there’s no way to convince you to stay
And be the way we used to be
Then there’s something that I want to tell you
And I want you to believe it’s true
We had something that I’ll never forget
Even if I wanted to
‘Cause part of me will always be with you
Yan lang naman yung kanina ko pang pinapakinggan. HAHAHA. Kasi naman, kumopya ako ng mga kanta. Pfffft. Eto na, magsisimula na nga ako mag acads, nag eemo pa kasi dahil sa kanta eh. TAHAHAHAHA. Ungguiiiii.
Oo, hindi pa rin talaga ako nakakaget-over simula kagabi. Paulit-ulit ko pa rin pinapanuod yung video nito, nagconvert pa ako ng mp3 para lang mapakinggan ko siya ng paulit-ulit sa phone ko. Isa to sa kinanta niya kagabi na nagustuhan ko. Ramdam na ramdam kasi eh, parang may pinaghuhugutan. Pinapatay niya pa yung mga ilaw nung kinakanta niya to tapos most of the time eh nakayuko pa siya. Nakakaemo. Haha!
Let me be the one to break it up
So you won’t have to make excuses
Ako na lang ang magdedesisyon para hindi na tayo mahirapan pa lalo. Ako na lang ulit ang unang susuko para hindi ka na mahirapan pa magpaliwanag sa akin at gumawa ng mga dahilan na minsan hindi na pala totoo pero patuloy ko pa ring pinapalampas. Ako naman muna ngayon, sarili ko muna ang iisipin ko. Pwede ba yun? Ako na lang ang pipilit sa sarili ko na tumigil na kasi wala na talaga. Ako na lang kahit mahirap, kahit hindi ko pa kaya.
We don’t need to find a set up where
Someone wins and someone loses
Hindi na natin kailangan pang umabot sa puntong pareho na tayong may matinding hinanakit sa isa’t isa, mas mahirap yun eh. Hindi na natin kailangang umabot pa sa puntong tuluyan na tayong mag-iiwasan dahil sa mga alaala ng nakaraan. Pareho tayong natalo sa larong yun at wala na tayong natitirang buhay para masave ulit kung ano yung mga nasimulan na at napagdaanang mga challenges ng laro. Game over na kumbaga. Pwede pa namang magsimula ulit ng panibagong laro pero nakakapagod na rin pala yun. Alam mo na kasi yung mangyayari eh, dba? Paulit-ulit lang ulit tapos maya-maya, game over ka na naman. Siguro mas masaya kung ibang laro naman para may bago.
We just have to say our love was true
But has now become a lie
Ang hirap pala kapag nakapagsinungaling na sa’yo yung isang tao no? Yung tipong pinaniwalaan mo siya ng sobra sobra tapos hindi naman pala totoo yung mga sinasabi niya sa’yo. Ang masaklap pa, hindi niya inaamin, sabagay sino nga bang aaminin sa ganun. Sa ibang tao mo pa kailangan malaman o kaya naman ikaw pa mismo ang makakadiskubre ng hindi sinasadya. Kapag ganun pala, parang nababawasan yung tiwala mo sa kanya no? Ang hirap naman pala ibalik nun. Pero sabi nga nila, pag mahal mo naman siya, parang nababalewala na yung ganun lalo na kapag ikaw yung tatanga tangang naniniwala ulit sa kakaunting suyo suyo na yan pa lang. Pero kapag paulit-ulit na, ganun pa rin ba dapat? Pinapalampas pa rin ba dapat kasi mahal mo naman? Hindi ka ba napapagod o nagsasawa? Pero aminin mo, kahit isang daang beses mo pa sabihing pagod ka na o sawa ka na, dahil mahal mo talaga siya, eh hindi mo kayang bumitaw basta basta.
So I’m telling you I love you one last time
So I’m telling you I love you one last time
So I’m telling you I love you one last time
And goodbye
You and I, we were standing watching us fall apart
So let me go and move along
I think you’re mistaken, I’m sorry to say
I’m really just a loser who’s getting in your way
I think you’ve forgotten all of your plans
See I never meant to be here and I think you should know
You’re better off alone
Dito pumapasok yung category ng mga tao na hinayaan na lang mawala lahat ng efforts nila to stay in a healthy relationship. Ganun na lang yun. Ganun na lang magtatapos lahat. Ganun na lang na para bang walang nangyari. It seems like na ayan na, you’re starting to fall apart, ayan na, nararamdaman niyo na yung gap between niyo ay lumalaki na, and yet what? Ayun kayo in your separate worlds doing nothing. Siguro pareho na kayong napagod at nagsawa sa kakaayos sa bagay na lagi rin namang nagugulo kaya this time, hinayaan niyo na lang basta basta. So, you decided to do nothing to save what’s left to save.
Nakakapanghinayang yung ganito minsan. Ang tema kasi ng drama nila eh, “We had it all but we just let it slip away.” Eto kasi yung mga relationship na kayang kaya pa isalba dahil usually ang issue e between those two persons who are involved talaga. Dito rin siguro pumapasok yung mga paliwanag na “It’s not you, it’s me” eh. Sayang lang kasi you could have resolved your personal issues di ba? You could have let yourself mature in this instance at hindi yung nagiging mababaw lang yung mga reasons mo. “It takes two to tango”, magtulungan kayong dalawa tutal kayo lang naman ang magkakampi talaga dyan sa relationship na yan simula nung pinasok niyo yan eh. Kayo lang din naman ang makakaalam ng mga solusyon at makakaresolba ng mga problema niyo eh.
Nakakalungkot lang dahil may mga tao sa ganitong case na umaasa pa rin na maayos lahat even after all those things na nangyari. Para bang they still yearn for a closure na matagal ng naibigay sa kanila but still they’re not yet contented with those at feeling nila e hindi pa yun yung closure na gusto nila. Martyr ba sila o masokista lang talaga?
Pero hooray for those na nakalagpas na sa stage na ito. Saludo ako sa inyo! :) Kasi after all ng nangyari e nakuha niyo nang makapagmove-on and let go. Siguro kahit gaano pa katagal yan, ang mahalaga ay natanggap niyo na yung katotohanang it’s over.
I know everything takes time. Kaya naman take your time PERO siguraduhin niyo lang na hindi niyo masyadong sinasayang yung oras niyo para sa mga bagay na hindi naman na ganung kaimportante. Sayang naman kasi yung oras na mawawala sa inyo na sana e sa mas makabuluhang bagay niyo na lang ginamit, dba?
O sige. Good night na. :)
- Umiyak ka - Sige. Iiyak mo lang. Hindi naman masama ang umiyak. Mas masarap umiyak kapag masama ang loob mo. Kahit mukha kang bouncer, sumo wrestler, bodygurad. Kahit hindi bagay sayo ang umiyak, umiyak ka parin. Magtago ka sa CR. Tapos kapag may nakakita sayong lumuluha, sabihin mo pinagpapawisan lang yung eyeballs mo dahil sa global warming, o kaya nakalunok ka ng isang timbang sukang paumbong o kaya naggayat ka ng isang kilong sibuyas kasi magluluto ka ng kilawin.
- Kumanta ka - Madalas, nagvividdeoke ang mga sawi. Dun nila nailalabas ang sama ng loob. Mabenta ang mga awiting “Saan, saan ako nagkamali?”, sabay maglalakad-lakad ng dahan-dahan at titingin sa malayo matapos basahin ang lyrics.. “Nating sgona change my lab por you, YOU KNOW NAMAN MY LAB how much I lab you, deworld may change my whole layp tru but nating sgona change my lab por youuuuuu!!!!” Parang ewan lang diba? Pero ang mahalaga eh nailalabas nila ang hinanakit nila. At eto pa ang pinakamatinding tanong na itatanong sayo.. “ARE YOU HAVING FUN?”
- Accept the Reality - Accept the fact that the relationship is over. Do not give yourself unrealistic fantasies that you might get back together one day.
- Develop new skills - Focus mo na lang yung atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag-aaral ng mabuti (charot), pwede kang mag-blog at dito ilabas ang sakit ng loob, mag-aral magluto and everything. That way, makakalimutan mo yung miseries mo, may bago ka pang natutunan. Libangin mo ang sarili mo. Wag kang magfocus kakaisip dyan sa hinayupak na heartbreak na yan kasi the more na iisipin mo, mas lalo kang mahihirapan.
- Stay away from him/her - The best thing singles can do immediately after a break up is to get rid of all those sappy, sentimental items you have laying around. Burahin mo yung mga texts niya sayo, yung phone number niya, lahat ng memories itapon mo kung gusto mong mag move on. Keeping those items will only put you in a state of nostalgia. One day down the road, you might look back fondly at the times you had with him/her. Don’t torture yourself with constant reminders. Allow yourself to be angry and sad in an healthy way, ayt? :)
- Free Will - Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat, kung gusto mong kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayahang gawin yun. Dapat, talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng advices na to at hindi ka pa ready, useless lang din naman, di ka talaga makaka-move on. Lahat may rason, kaya dapat may rason kung bakit mo gustong gawin to.
- Love yourself - Para masabi mo sa sarili mo na karapat-dapat kang mahalin, mahalin mo muna yung sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sa sarili mo eh ayaw mo mismo?
- Keep yourself busy - Ituon mo ang sarili mo sa career na tinatahak mo, sa studies (matutuwa pa parents mo, really). MAG-ARAL KANG MABUTI. YUN LANG ANG MAGANDANG MAIPAPAYO KO. HAHA.
- Stay more close to your family - Maging open ka sa kanila at ilabas mo yung sakit na nararamdaman mo. Alam nila kung anong makakabuti para sayo at handang magbigay ng advice na tiyak kong makakatulong sa nagdurugo mong puso. :(
- Be with your friends - // DRINKING SESSION // CHILL-OUT // GUMIMIK // SLEEPOVERS // MALLING // SHOPPING // WINDOW-SHOPPING (bumili ka ng bintana) // Alam mo kasi, kahit iwanan ka pa lahat ng tao, yung mga tunay mong kaibigan, hinding-hindi ka iiwanan. Sila lang naman yung sasalo sayo at handang dumamay, kahit ano pa yung hinanakit mo.
- Blogging - Pwede mong ilabas yung mga saloobin at mga nararamdaman mo sa pamamagitan ng pag-blog, mga experiences at personal stuff. Nakakatulong din kasi sa iba yung pag-bblog lalo na kung masarap tambayan yung blog mo.
- Subukan mong gawin ulit yung mga bagay na kadalasan mong ginagawa noon nung wala pa si ex-bf/ex-gf - Sigurado, may mga gawain ka noon nasuper nag-eenjoy ka nung wala ka pang syotang babawalan ka. Kung lalake ka, edi magdota ka maghapon at magdamag. Walang babaeng tatalak sayo na huminto ka na.
- Focus on yourself - Take time to get to know yourself again before you get involved with someone else. Know what you really deserve. When you are sure about what you are willing to give and receive, you will be able to find a partner who will suit you well. You’ll feel better when you look great, really.
- Wish your ex a well-lived life - Be happy that he/she has found love again. After all, he/she is somebody who gave meaning to your life even for once. You should want happiness and love for him/her. You don’t have to be bitter.
- Pray - Getting over with someone is a though thing pero sure yan, madali kang makakapag-move on kung meron kang Diyos na pinaniniwalaan. Humingi ka ng strength sa Kanya para makayanan mo lahat. Thank Him. Kahit heartaches, pasalamatan mo siya, tapos magsumbong ka sa Kanya. Magugulat ka na lang na pagkatapos mong nagdasal, sobrang gagaan yung pakiramdam mo.
Pero bago mo sundin lahat ng mga yan, siguraduhin mo muna sa sarili mo na kakayanin mo talaga. Kaya kang matulungan ng ibang tao sa pag-usad, pero mas makakausad ka agad kung tutulungan mo mismo yung sarili mo. Happy moving on and never forget to smile. :)
Kasi may mga tao na kahit wala na kayo eh gusto nila sila pa rin ang mahal mo, yung gusto nila nasa kanila pa rin ang atensyon mo, yung mga taong nangongolekta ng mga taong alam nila at sigurado silang may nagmamahal sa kanila.
Matindi problema nung mga yun eh, yung mga nananadya talaga, yung mga sinisigurado nila na dudurugin talaga nila puso mo pero wala na silang pakealam sa nararamdaman mo basta ang gusto nila eh hindi ka maka move on. Tipong simpleng kamusta lang eh iba na ang dating sayo.
May ganyan talagang tao, di mo alam ang motibo talaga, wala kang magagawa kundi iwasan talaga sila sa abot ng makakaya mo.
Wala namang permanente sa mundo. Lahat ng mayroon ka, lahat ng hawak mo ngayon, lahat ng tao sa paligid mo, balang araw mapapansin mo na lang na unti-unti na silang nawawala sa’yo. Mawawala sila gustuhin mo man o hindi. Mawawala sila sa’yo kahit anong pagpigil ang gawin mo. Pero minsan, mawawala sila sa’yo ng parang bula. At ikaw naman, maiiwang naghihintay sa pag-aakalang babalik din sila. Maiiwan kang lutang sa bilis ng pangyayari, sa bilis ng pang-iiwan na naganap. Pero ano ba yung mas masakit doon? Yung naiwan ka sa ere ng wala kang kaalam-alam na iiwan ka na pala nila? O yung makita mo na masaya na sila kahit wala ka na sa buhay nila, samantalang ikaw, nandyan pa rin sa mismong lugar kung saan ka nila iniwan?
Ang hirap lang tanggapin na may mga taong kayang mang-iwan ng kapwa nila lalo na sa hindi inaasahang pagkakataon. Kung kailan kailangan mo sila at saka naman sila wala sa tabi mo. Kung kailan naging malapit na kayo sa isa’t isa at saka naman sila nagiging mailap.
Minsan kahit gaano mo pa sila namimiss, kahit gaano mo pa sila gustuhing kausapin, at kahit gaano mo pa ipagpilitan ang sarili mong lumapit sa kanila, sa bandang huli ikaw na rin mismo ang mapipilitang sumuko. Bakit? Kasi alam mong matatalo ka rin lang naman. Kasi alam mong kahit anong gawin mo, hinding hindi mo na maibabalik ang lahat sa dati. Kasi alam mong mapapagod ka rin lang sa kakahintay at sa kakaisip ng mga paraan para maging maayos ulit ang lahat.
Maiibsan lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo kapag sinimulan mong tanggapin ng bukal sa loob mo ang lahat ng mga nangyari. Balang araw, kakayanin mo na ring matulog ng walang luhang pumapatak sa iyong mga mata, gigising ka na rin na tila isang masamang panaginip lamang ang nakaraan, at magagawa mo na ring ngumiti ng walang halong kaplastikan.
At higit sa lahat, sasaya ka na rin ng walang humahadlang sa iyo. :)
Mabuhay ka! HAHA.
I can not hold this anymore
My hands are tired of only waiting to let go
And I am waiting…still
I used to know which way to turn
You were a light inside a tunnel in my head
I try to follow…still
I try to follow…still
It’s hard to see you, we are older now
And when I find you, you just turn around
This is a black and white of you i’ve found
I hang you up and then I pull you down
I hang you up and then I pull you down
No more apologies from me
My arms are tired of picking up what I put down
You’re all I think of…still
I’m gonna miss you everyday
I turn my back on anyone who won’t believe
And it gets lonely…still
It gets lonely…still
It’s hard to see you, we are older now
And when I find you, you just turn around
This is a black and white of you i’ve found
I hang you up and then I pull you down
I hang you up and then I pull you down
I get lost sometimes
Another year flies by
But I know if I try
Memories of the light in your eyes
Can take me back in time
It’s hard to see you, we are older now
And when I find you, you just turn around
This is a black and white of you I found
I hang you up and then I pull you down
It’s hard to see you we are older now (we are older now)
And when I find you, you just turn around (you turn around)
This is a black and white of you I found (you I found)
I hang you up and then I pull you down
(pull you down)
I hang you up and then I pull you down
(pull you down)
I hang you up and then I pull you down
(pull you down)
I don’t hear music anymore
My ears are tired of all the pictures in the words
Cause you are in them…still
I can not hold this anymore
My hands are tired of only waiting to let go
And I am waiting…still
And I am waiting still..
Hanggang kailan ba? Gaano ba katagal dapat maghintay? Pabo! Haha! Baliw na naman ako. Hoho. Bwisit na buhay.
Nalss ako sa dyan sa kanya na yan sa utak ko. Pero parang tange kasi yung line na yan yung paulit-ulit talaga sa utak ko. And I am waiting… still. And I am waiting… still.
Oh tapos? Anongpinamumukhasakinnitongkantangto? :)) Funny like crazy and I am crazy.