Pwede bang sumuko na ako kahit ngayong gabi lang? Pagod na ako eh. Kanina parang wala na akong gutom na naramdaman. Hindi ako nakakain buong araw maliban na lang nung kainan na sa ST na ginabi na rin. Ewan ko ba. Nalipasan na nga ata ako nun kasi nawala talaga. Basta okay na akong masabi lang na kumain ako. Ang sarap ng tinapay. Hahahaha. Pag-uwi bumili pa ako ng coke, 1.5. Bakit? Gusto ko lang. Katulad ng dati, madalas ako naghahanap ng softdrinks lalo na kapag stressed kaso parang mas pinapatay ko pa yung sarili ko sa ginagawa ko. Sumasakit na kasi yung tagiliran ko at alam kong mas lalala pa pag nagsoftdrinks ako pero sige pa rin ako. Ang bait ko. :)) Nagbasa basa ako ng handouts tapos SP mode na. Kaso, nahihilo na ako. Feeling ko doble doble na yung lcd ng laptop ko. Haha. Bumabagsak na yung mata ko. Pero gusto ko pang gumawa. Gusto ko na matapos to. Ayaw ko madisappoint sa akin lahat ng taong umaasa at nang ppressure sa akin na ggraduate ako. Ayaw ko madisappoint yung mga magulang ko. Ayaw ko sila ipahiya, ayaw ko ipahiya yung sarili ko. Kaso minsan parang gusto ko na sumuko. Gusto ko na tigilan to kaso hindi pwede. Bawal. Hindi dapat.
Pero pagod na talaga ako ngayon kaya kahit labag man sa kalooban ko, paalam na muna SP. Ipapahinga ko muna yung sarili ko ng mas maaga ngayon ha? Antok na antok na ako. Bibigay na talaga ako eh. Good night. Sana wag mo na akong pahirapan bukas este mamaya. Tatapusin na talaga kita ngayong linggo. Pangako. (Sana matupad ko. Pipilitin king tuparin. Hintayin mo lang ako. Malapit na ako.) Sa’yong sa’yo na ako.