Sana ako na lang si superwoman para kaya kong gawin lahat. Para kaya kong tugunan lahat.
Sana kaya ko na lang gawan ng clone yung sarili ko o di kaya hatiin yung katawan ko para solve na lahat.
Kaso hindi.
Kailangan ko lang talagang ilabas to at wala akong pakielam.
Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Halo-halo na lahat sa sistema ko ngayon. Masaya, malungkot, excited, kinakabahan, naguiguilty, naiinis, naaasar, naiiyak, sumasakit ang ulo, sumasakit yung tagiliran, nasstress, nasstress, nasstress, at nasstress.
Pakiramdam ko tuloy may split personality disorder ako ngayong araw na to eh. Kanina lang para akong batang sobrang saya. Sobrang nstress na ako kaya biglang naisipan kong bumili ng brazo. Sabi ko gusto ko ng comfort food. Meron naman dun sa Goldilocks kaso walang half roll. Nattempt na ako bilhin yung whole. Wala akong pakielam basta gusto ko. Sinamahan ko muna bumili ng pagkain yung kasama ko tapos sabi ko at saka ako magddesisyon kung bibili ako. Kaso, siguro nga meant to be na wag na raw muna ako bumili kasi biglang may ale kaming nakasalubong na maraming bitbit na cotton candy. Sakto kasi kakabanggit ko pa lang sa kasama ko na gusto ko ng cotton candy. Hinanap pa namin kung saan ba nabili ni ate yung cotton candy hanggang sa nakita namin. Aalis na ata si manong nun pero nung tinanong ko, okay lang daw sa kanya kaya binuksan niya ulit yung gawaan niya ng cotton candy. Ang saya saya ko pa. Tatlo pa yung binili ko dahil wala lang, gusto ko lang. Gusto ko lang isipin na kahit papaano eh mwawala yung bigat ng loob ko kapag kumain ako ng kung ano mang gusto ko.
Kaso ang bilis mapalitan nung panandaliang kasiyahan ko. Naipit na naman ako sa mga sitwasyon na hindi ko na alam kung anong mas mahalaga. Mali. Alam ko kung ano yung mas pinahahalagahan ko kaso alam ko ring hindi ko pwedeng tanggihan yung isa. Sa totoo lang, naiiyak na talaga ako kanina dahil hindi ko na alam yung dapat kong gawin. Paglabas ko ng gate, pinigilan ko lang yung sarili kong magbreakdown pero ramdam na ramdam ko na na isang tulak na lang eh bibigay na ako kahit alam kong wala akong karapatan.
Naguguluhan ako. Naiinis na ako sa sarili ko. Minsan iniisip ko na sana kaya ko na lang tumanggi ng ganun kadali. Sana natuto na lang ako na mawalan ng pakielam. Sana hindi ako madaling maguilty. Na sana, tulad na lang ako nung iba na kayang bitawan na lang basta basta yung mga bagay na gusto nilang bitawan. Kaso mahirap eh. Unang-una hindi ako sila. Pangalawa, mahina ako. Pangatlo, mas gugustuhin ko na lang manahimik at gumawa kaysa magreklamo ng magreklamo.
Iniisip ko nga, ang mahirap din palang maging mabait minsan no? Kasi alam ng ibang tao na ‘oo’ at ‘oo’ lang yung isasagot mo. Kasi alam nilang hindi ka naman marunong magalit at tumanggi. Kasi alam nilang hindi mo rin matitiis na mainis. Ang labo.
Naiinis pa ako sa sarili ko dahil gusto ko kapag binibigyan ako ng trabaho eh binibigay ko yung lahat ng kaya kong maitulong o gawin. Kaso ngayon? Wala. Inaamin ko na wala talaga. Wala akong kwenta. Nakakainis lang. Ang bigat sa pakiramdam ng ganito eh. Alam kong hindi pa ako deserving sa kung ano mang pagiging head na yan eh. Ni ako sa sarili ko ayaw kong tawagin akong head dahil alam kong may mas babagayan yung titulong yun. Naguiguilty ako pero wala akong magawa dahil sabay-sabay lahat ng bagay na makakapagpapressure sa akin.
Mabuti na rin pala yung naglakad ako kanina mag-isa. Nakapag-isip-isip ako. May nadaanan pa akong kumakanta at maganda yung boses. Naisip ko, ang bait at ang galing talaga ni Papa God. Alam niya kung paano gagaan yung loob ko. Alam niyang dahil doon eh mababawasan yung bigat ng pakiramdam ko.
Hindi naman ako marunong magalit ng matagal. Hindi ko kaya. At hindi naman ako galit. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi ako marunong magbalanse ng mga bagay sa buhay ko. Kung bakit naman kasi nagsabay-sabay pa lahat ng problema ko. Ang laki siguro ng tiwala sa akin ni Papa God na malalampasan ko rin lahat to kaya pinagsabay-sabay niya.
Eto ang hirap sa akin eh. Mahilig akong ngumiti at tumawa kahit na ayoko naman talaga. Siguro minsan, pwede na rin akong mag artista tutal naman kaya kong lokohin lahat sa pag-arte ko sa tunay na nararamdaman ko.
Pag-uwi ko kanina sa dorm, diretso lakad lang ako paakyat. Ayaw ko muna ng kausap. Gusto ko na lang muna gumawa at manahimik. Eto na naman ako. Tinatamad na naman ako magsalita at makipag-usap sa iba. Bahala na. Mabilis naman ako bumalik sa normal eh. Lilipas din to.
Sa ganitong panahon ko naaappreciate lahat ng taong marunong umunawa. Natutuwa ako sa mga marunong umintindi ng wala ng ibang satsat. Sana dumami pa kayo. Idol ko na kayo. Mabuhay kayo.
Kasi naman mas dumarami na yung mga taong mapanghusga eh. Yung tipong kung makapagsalita eh akala mo naman lahat kasing galing nila. Kasing perpekto nila. Edi kayo na. Kayo na lahat.
Wala naman akong pinapatamaan dahil wala namang dapat tamaan kundi ako lang. Gusto ko lang ilabas na lahat ng nararamdaman ko kahit na mahusgahan pa ako. Kaunti na lang kasi sasabog na ako. Tama na.