Tapos na yung febfair. Tapos na rin ang mga exams ko for this month. Kaya ngayon, kailangan ko na ulit magseryoso para sa SP ko. Hoho. Bago matapos ang buwan na ito, dapat tapos ko na rin tong SP na ito. Tingin ko kaya naman eh. Ang kaso lang, hindi ko talaga alam kung tama as in tama tong mga ginawa ko. Haha. Haay buhay.
Basta ang saya ko lang kagabi or kanina. Pakiramdam ko wala akong pinroproblemang acads nung mga oras na yun. Medyo gumaan pa yung pakiramdam ko dahil sa pagvvideoke na yan. Hahaha. Or not. Hindi ko talaga alam kung gumaan o bumigat pero sigurado akong naging outlet ko siya ng mga kabaliwan ko. Wala ng pakeme-keme, basta kanta lang ng kanta eh. Haha! Ang saya talaga kasama ng mga kaibigang alam mong mga baliw din tulad mo. Kahit na wala kayong masyadong pinag-uusapan ng bonggang bongga eh masaya pa rin kayo ng magkakasama lang kayo. Nakakamiss ang Chimers. Kaya ang fun talaga nung marami-rami na rin kaming nagsama-sama kagabi hanggang kaninang umaga. Naeexcite na tuloy ako sa susunod na bonding moments namin ulit. :)