Pusang gala. Inaantok na talaga ako pero hindi pwede to. :( Walangjo. Unti-unti na bumabagsak yung mata ko. Siguro kaya ko pa naman pilitin yung sarili kong wag antukin pero yung utak ko mismo yung sumuko na ata. Nakakapeste. Hahaha. Sabi ko kanina dapat 1am eh mag-aaral ako pero hanggang ngayon na past 2am na, pilit ko pa ring inaayos yung SP ko na dapat kanina ko pa nafigure out kung anong gagawin ko.
Ang hirap ng ganito. Walang matinong tulog. Yung tipong kailangan pang nakawin yung oras para sa pagtulog. Sirang-sira na yung sleeping habit ko. Lagi ko na lang naaabutan yung pagtilaok ng manok, yung pagsikat ng araw, yung pag gising isa-isa ng mga tao dito sa bahay. Namimiss ko na ang normal na pagtulog. :( Nakakabaliw yung ganito. Hoho. Parang laging bangag kapag umaga.
Dear utak (if ever you still exist),
Don’t give up on me yet. Pleeeaaase? Kailangan pa kita ngayon. Paano pa ako mag-aaral nito kung magshshutdown ka na? Stay with me. Cmon let’s try harder to figure out the problem with my SP and then let’s study a little. Kapag nagawa natin yan, rrewardan din naman kita eh. Kaya makisama ka muna ha. Ako muna ang boss. ;p
Huhu. Life. I need to be positive with you but it’s a lot harder than I imagine it to be.