“They say that you only come across two of the most important persons in your life: The One That Got Away, and, The One Who Found Its Way.”
- Adrian Benipayo
Nakakalungkot naman. May mga bagay talaga na sadyang huli na. May mga bagayna kung kailan mo lang naisipang gawin o sabihin at saka mo naman malalaman na huli na pala ang lahat. Nalulungkot lang ako para kay kuya. May nabasa kasi ako sa facebook na post about sa paghahanap niya dun sa first love niya. Nung una nga kinikilig pa ako eh. Ang sweet kasi ng dating di ba. Ang cool, biruin mo, hahanapin mo pa yung first love mo at hindi pa siya nahiyang malaman ng lahat na in search siya for his first love. Naeexcite pa nga ako para sa kanya eh pero dahil doon sa ibang comments eh medyo nalungkot na ako. Mukha kasing masaya na si ate sa lovelife niya.
Naamaze din ako. Grabeng liit pala ng mundo. Nagcomment kasi doon sa post yung kapatid(na schoolmate pala ni kuya) nung girl, bilang ako ito, tinignan ko yung profile. May mutual friend pala kami at narealize ko na shortcut version pala yung surname niya. So ibig sabihin magkamag-anak pala sila nung friend ko. At magkamag-anak rin yung girl na hinahanap ni Adrian pati yung friend ko. At grabe pala talagang bilis lumaganap ng mga news, stories, or stuffs sa facebook. How powerful.
Pero going back doon sa kwento, sana kahit papaano eh magpakita naman si ate kay kuya sa February 11 at sana makapag-usap sila ng maayos. Nakakapanghinayang lang din kung sakaling huli na yung pag-effort ni kuya na mahanap ang first love niya. They started nung 2004 pa kasi ata and 2006 since nung huli silang nagkausap eh.
Mahirap nga rin kasi yung ganoon na walang closure na nangyari. Mahirap kasi naiwan kang nakabitin. Minsan hindi mo alam kung aasa ka pa ba, kung maghihintay ka pa, o kung lalakad ka na lang din palayo at sisimulang tanggapin na wala na.
Napapaisip tuloy ako. Paano kaya kung noon pa lang na nararamdaman na ni kuya na lumalayo na si ate, eh kinausap na niya, or vice versa? Paano kaya kung mas napaaga si kuya sa paghahanap niya? May magbabago kaya? Magiging sila pa rin kaya?
Ang daming tanong na mahirap sagutin. Ang daming tanong na minsan hindi mo na malalaman ang mga sagot.
Pero saludo ako kay kuya. Sana magkita sila at sana maging okay ang maging resulta ng search for his first love niya. At sana malaman niya kung si ate ba eh maituturing niyang The One That Got Away or The One Who Found Its Way. :)